Mga Pagkaing Espesyal sa Pilipinas

Mayaman ang Pilipinas sa likas yaman. Marami ang dumadayo dahil na rin sa mga nakakamanghang tanawin. Kilala rin ang ating bansa sa mga pagkain na dito rin makikita sa bansa.

Ngayon, aming itatalakay ang ilang kilalang pagkain sa ating bansa. Simula sa Luzon hanggang sa Mindanao at kung papano ito lutuin o gawin.

Naway mabigyan namin kayo ng aking mga kagrupo ng sapat na kaalam at impormasyon.

LUZON DELICACIES

ILOCOS NORTE

PINAKBET

(Sheann Claire Cinco)

pinakbet

Ang pinakbet o pakbet ay isang pagkaing Pilipino na may laman ng baboy o baka at gulay. Karaniwang pinakukuluan ang mga sangkap nito at sinasahugan ng bagoong bilang pampalasa. Isa ito sa mga pinakasikat na pagkain sa Ilocos Norte. Lahat ng pinoy alam kong paano ito lutuin pero ito ay nagmula talaga sa Ilocos Region. Ang Ilocos ay kilala dahil sa kanilang masarap na pinakbet na sinangkapan ng bilog na talong, maliliit na ampalaya at bagoong na isda

Sangkap

  • 1 tasang liempo na hiniwang pakuwadrado
  • mantika
  • 2-3 kutsarang bagoong isda o ayon sa panlasa
  • 1 tasang tubig
  • 1 katamtamang laki na ampalaya, inapat na hiwa
  • 3 pirasong talong, inapat na hiwa
  • 5 pirasong okra, hinati
  • 4 na pirasong kamatis, hiniwa
  • 1 maliit na sibuyas, hiniwa
  • 1 maliit na luya, hiniwa

Proseso

  1. Pagmantikain ang liempo sa kawali at itabi pansamantala.
  2. Sa kaserola, pakuluin ang bagoong isda at tubig.
  3. Idagdag ang baboy at mga gulay.
  4. Lutuing maigi.

BAGNET

(Sheann Claire Cinco)

bagnet.gif

Ito ay kilala sa lokal na pangalan na chicharon. Ito ay isa sa mga kilalang pagkain ng Pilipinas na matatagpuan sa Ilocos.  Ito ay karaniwang isinasawsaw sa suka, bagoong at bawang.

Paraan ng Pagluluto

  • Sa loob ng isang oras, patutuyuin muna ang sariwang karne sa ilalim ng araw.
  • Pagkatapos, hihiwain ang mga piraso nito at ilalagay sa sinublan (isang malaking kaldero) upang pakuluan.
  • Ang karne ng baboy ay ilulubog sa kumukulong mantika hanggang sa magkaroon ito ng mga bula. Ang balat naman nito ay tumitigas at nagsisimula nang pumutok.
  • Mga 20 na minuto matapos alisin ang karne sa kaldero, ang proseso ay uulitin hanggang sa lalo pang pumutok ang balat ng baboy.

Klase ng Bagnet

Ang bagnet ay maiiuri sa tatlong klase.

Una ay ang karne at balat ng baboy na siyang pinakamahal na bagnet at itinitinda ng tigki-kilo. Ang ikalawa ay ang bagnet knots na binibili ng bawat piraso. At ang huli ay ang bagnet crumbs na kinukudkod mula sa gilid ng kaldero. Ito ay itinitinda rin ng tigki-kilo at inilalagay sa pinakbet.

Ang pinakamasarap na pagkain sa Laoag makikita sa Ilocos Norte. Ang mga pagkain na ito ay mabibili sa iba’t-ibang kilalang mga restorant.

DALAWANG KATAKAM TAKAM NA PAGKAIN SA ILOCOS

Longganisa

(Wynedee Bargamento)

                                longganisa

Ito ay kilala dahil sa napakasarap na lasang Ilocos sausage na ang gamit pampalasa ay ang tinatawag nilang local garlic. Ito ay nag mukhang Spanish Chorizo Sausage.

MGA SANGKAP:
1kilong giniling na karne ng baboy
1 kutsaritang pamintang durog
¼ tasang bawang (dinurog)
2 ¼ kutsarang suka
1 kutsarang sibuyas (tinadtad)
2 yardang pambalot ng longganisa
2 ½ kutsaritang asin
½ tasang tubig
 1/3 tasang toyo
2 kutsarang mantika
Paraan ng pagluluto:
1)  Sa isang mangkok,, pagsama-samahin at haluing maigi ang unang pitong sangkap . Ilagay itosa pambalot at itali ang bawat dalawang pulgada gamit ang isang panali . Ibilad sa ilalim ngaraw sa loob ng apat na oras upang matanggal ang mga taba at ang mga tubig-tubig aymatuyo.
2)  Painitin ang isang kawali at ilagay ang ½ tasang tubig at dalawang kutsarang mantika. Ilagayang mga longganisa. Takpan ang kawali at lutuin ang mga longganisa sa mababang apoyhanggang ang tubig ay mawala o matuyo. Tusukin ang bawat isa gamit ang isang tinidor.
3)  Kapag ang tubig ay nawala o natuyo na, prituhin ang mga longganisa hanggang sa magingkulay tsokolate. Ihain kasama ang sinangag na kanin, kamatis at piniritong itlog.

Empanada

vigan-empanada-recipe.jpg

Ang empanada ay ang pinakasikat na street food sa Ilocos Norte. Ito ay gawa sa kinuskos na papaya, itlog, at longganisa na binalot sa malakulay na kaleh na rice daugh. Isa din ito sa pinakagustong kainin nang mga taga Northern Luzon.

Mga Sangkap:
Pambalot:
 1 1/2 tasang mochiko rice flour
1/2 tasang tubig

1 kutsarang langis

Palaman:
1 hilaw ng papaya (ginadgad)
4 longganisa (tinadtad)
1/2 sibuyas (tiadtad)
1 butil ng bawang (tinadtad)
6 itlog
Asin
Paminta
Mantika
Paraan ng pagluluto: 
Pambalot
1) Paghaluin ang mga sangkap sa isang mangkok at masahin nang dahan-dahan
2) Kumuha ng 2-3 kutsara ng pambalot. Patagin ito gamit ang rolling pin.
3) Itabi muna habang gumagawa ng palaman.
Palaman:
1) Sa isa pang kawali igisa ang bawang at sibuyas sa mantika. Idagdag ang longganisa at budburan ngasin at paminta. Kapag ang longganisa ay luto na, ilagay sa isang mangkok at ihalo Maghintay ng 2-3minuto at ihalo ang ginadgad na papaya
 2) Kumuha ng 2-3 kutsara ng palaman upang patagin ang pambalot at lagyan ito ng sariwang itlog.isang piraso ng sariwang itlog. Isarado ang mga gilid at iprito sa pinainit na kawali.
3) Ilagay ang mga empanada sa isang plato na mayroong paper towel upang matanggal ang mgakumapit na mantika. Ihain sa isang plato na mayroong sawsawan sa gilid.

Ang sekreto ng Ilocano Cuisine ay ang kanilanang simplisidad sa pagluluto. Gumagamait lamang sila nang mumurahing mga sahog at pampalasa. Pinapakita nila sa mga tao na ang kanilang mga sikat na putahe ay pang masa o patok para sa masa.

Ang pait na panlasa sa Ilocos Norte ang isa sa nagdadala nang sa sarap at kakaibang namnam nito sa kanilang mga pagkain.

VISAYAS DELICACIES

La Paz Batchoy

(Jular Sanico)

lapazbatchoy4

Napakaraming mga orihinal na Filipino Cuisine na di lang kinababaliwan ng mga Pinoy pati narin ng mga turista na nanggaling sa iba’t ibang mga lugar. Isa na ditto ang La Paz Batchoy na nagmula sa La Paz, Iloilo. Ito ay isang Noodle Soup na ang pangunahing sangkap ay mga laman loob ng Baboy  gaya ng Atay, Bato, Puso at Bituka na ihinahain sa isang malalim na mangkok. Nakakaduwal man pakinggan at malaman ang mga sangkap ngunit kapag ito ay naluto na, hindi mo na maiisip yan dahil hindi mo na rin yan mapapansin.

Kung kanino at kailan ito nagmula ay isa paring tanong na walang matibay na kasagutan ngunit may dalawang bersyon ng kwento na popular. Ang una ay galing ito kay Federico Guillergan Sr., kung saan binenta nya ang kanyang recipe noong 1938 sa La Paz market at mula doon ito ay yumabong. Ang pangalawa naman ay galing ito kay Teodorico Lepura mula sa parehong market noong 1945 kung saan sya ay nagtrabaho sa isang Chinese Merchant at natutunan nya ang sikreto ng paggawa ng Noodle Soups tapos mula doon, dinevelop niya kung ano ang mga natutunan nya hanggang sa ito ay lumago at tinatawag na ngayong La Paz Batchoy.

Kung gusto nyong gumawa nito, sundan lamang ang recipe sa baba.

MGA SANGKAP

  • 2 kilo ng baboy
  • 1 kilo buto ng baka bones (with marrow)
  • Tubig
  • 1/2 pata ng baboy
  • 1/4 kilo bituka ng baboy, nilinisan
  • 1/4 kilo atay ng baboy
  • 1 sibuyas, binalatan at tinadtad
  • 2 maliit na piraso ng bawang, binalatan at tinadtad
  • 1 kutsarang ginisang bagoong alamang
  • 2 kutsarang asukal
  • 1/4 kutsaritang MSG (Vetsin)
  • asin at paminta

Toppings

  • dinurog na chicharon
  • pinong piniritong bawang
  • dahon ng sibuyas
  • hilaw na itlog (optional)

PARAAN NG PAG GAWA

  1. Sa isang malalim na kaldero, maglagay ng tubig na sapat para matabunan ang mga buto. Ilagay ang mga buto at pakuluin ng 10 minuto. Pagkatapos kumulo, alisan ng tubig at itabi ang buto tsaka hugasan ang kaldero. Lagyan ulit ng tubig (10-12 na baso) at ilagay ang buto at takpan. Pakuluan ito pagkatapos hinaan ang apoy at hayaang kumulo ng 3 oras.
  2. Gamit ang salaan, itabi ang sabaw. Tanggalin ang mga laman sa buto pati ang utak ng buto (bone marrow) at ilagay sa isang malinis na nalalagyan tsaka itapon ang buto.
  3. Ibalik ang sabaw sa kaldero at pakuluin uli. Kapag kumulo na, ilagay ang pata at bituka ng baboy. Pakuluin ito ng 30-40 minuto hanggang sa ito ay lumambot. Pagkatapos ay kunin ang mga ito at hiwain ng maliliit na pahaba at itabi.
  4. Ilagay ang atay sa kaldero na may sabaw at pakuluin ng 7-10 minuto. Pagkatapos ay kunin ang mga ito at hiwain ng maliliit na pahaba at itabi.
  1. Ilagay ang mga hiniwang sibuyas at bawang sa sabaw. Pakuluan ng mga 2-3 minuto hanggang sa ito ay lumambot tsaka ilagay ang ginisang bagoong alamang. Lagyan ng kaunting asukal at MSG. Timplahan ng asin at paminta.
  2. Kumuha ng ibang kaldero at magpakulo nang tubig. Pagkatapos kumulo, gimamit ng salaan at palubugin ang Noodles ng mga 30-40 segundo. Kunin ang Noodles at alisan ng tubig tsaka ilagay sa isang malalim na mangkok.
  3. Lagyan ng naitabing sabaw ang mangkok na may noodles at lagyan ng nakuha at hiniwang laman at laman loob sa ibabaw. Pwede ring lagyan ng mga buto na iyong pinakuluan. Lagyan ng itlog at ihain habang mainit pa.

Enjoy!

 CEBU

Lechon Cebu

(Mary Rose Melo)

lechon.jpg

Ang Lechon ay ang Pilipino bersyon ng purong baboy at ito ay isang lubhang popular na pangunahing ulam sa panahon ng kaganapan at kasiyahan. Ito ay  malawak at popular na kahit na domestic airlines tinanggap ito bilang normal kargamento tuwid mula sa oven sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Ayon sa kasaysayan, ang salitang lechon ay literal leche, isang Espanyol na salita para sa gatas.

Ito ay isang tradisyon ng mga mayamang kultura na mahalaga tulad ng Parade ng Roasted Pigs sa Balayan Festival ng Batangas, Pilipinas. Ngunit ang orihinal Cebu lechon recipe mananatili pa rinangpinaka-popular at hinahangad ng mga Pilipino at dayuhan. At narito na ang orihinal Cebu lechon recipe na ang lahat sa atin ay kayang gawin at sabik na malaman:

  • 1 buong katutubong baboy (live natimbang 18 – 20 kilo)
  • asin at itim na paminta sa lasa
  • toyo

Para sa magpakinang:

  • 1 litrong Sprite

Para sa palaman:

  • 10 bundle lemon grass (tanglad)
  • 1/4 tasa star anis
  • 6 na pirasong laurel o bay dahon (gupitin sa maliit na bahagi)
  • 5 tasang durog bawang
  • 2 kilo berdeng sibuyas leave
  • 8 pirasong halved saba. (Half-lutong thru kumukulo)

Mga tagubilin:

  1. Una, mag-ahit buhok follicles ng baboy at alisin ang lamang-loob. Banlawan ang baboy at siguraduhin na mayroong hindi hihigit bugal ng dugo saloob ng tiyan.
  2. Pagkatapos kuskusin ang insides may asin at paminta kabilang sa katawan.
  3. Kuskusin ng kaunting toyo sa loob ng tiyan ng baboy.
  4. Ipasok o ilagay sa tiyan ang saba, asin, berdeng sibuyas dahon, durog bawang at laurel dahon.

5.      Susunod, I stack ang lemon grass sa sentro tiyan, at stitched sa tiyan, siguraduhin na walang sangkap na lalabas.

  1. Ituhog ang baboy na may isang mid-size kawayan at split inihaw sa paglipas ng mainit na uling. Huwag ilagay ang uling direkta sa ilalim ng tiyan ng baboy ngunit sa paglipas ng magkabilang panig, dahan-dahan churning ang baboy inihaw.
  2. Habang dahan-dahan nileletson baboy, lagyan ng pampakinang ito sa pana-panahon na may sprite gamit ang isang espongha upang ito ay maging crispy.
  3. Inihaw para sa isang pares ng mga oras hanggang ang karne ay malambot. Wag sobra sa luto.

MINDANAO DELICACIES

ZAMBOANGA

Lokot-Lokot

(Shaina A. Pepito)

793759_430480333694585_78915883_o.jpg

Kilala ang mga Muslim sa Zamboanga dahil sa kanilang mga kilalang kakanin. Isa na dito ang “Lokot- Lokot” (Zamboanga Rolls, Zambo rolls, Locot- Locot, Lukot-Lukot) o kilala rin sa tawag na “Jaa”.

Hinahanda lamang ang kakanin na ito tuwing may espesyal na okasyon gaya ng “Hariraya” o “The feast of the Eid-il-Fitr” na selebrasyon sa pagtatapos ng “fasting month” ng Ramadan.

Paano nga ba o ano nga ba pinagmulan nito? Ang ilang mga tao ay naniniwala na ito ay nagmula sa Malaysia o Indonesia panahon ng ika-13 at ika-14 siglo. Ang naglalayag Malays marahil ay dinala ito noong napadpad sila sa ating.

Mga Sangkap:

  • Rice flour
  • Asukal
  • Tubig

Kung paano gawin, sundan lamang ang procedure sa ibaba:

  • Una, kailangang pinuhin ang butil ng bigas hanggang sa ito ay maging harina.
  • Pagkatapos, kailangan ay tama ang sukat ng tubig at asukal upang makalikha ng malapot na mixture ng bigas(na ginagawang harina), tubig at asukal.
  • Ibuhos sa isang lalagyan na gawa sa coconut shell na may maliit na butas sa ibaba nito
  • ilagay sa kawali na may mainit na mantika.
  • hintayin na maging kulay golden brown ito.
  • tupihin sa naayon na sukat.

Chicken Pastil

(Abegail Jane C. Alestre)

pastil.jpg

Ngayong araw na ito gusto kong ipakita kung paano lutuin ang isa sa mga paborito kong pagkain, ang Pastil. Madalas itong makita sa mga terminal ng bus kung papunta kang North o South Cotabato. Isa itong putahe ng mga Muslim Maguindanaon. Ang Pastil ay pagkaing nakabalot sa dahon ng saging, sa loob ay kanin na pinatungan ng hiniblang karne ng baka, manok o isda na minsa’y tinatawag ding Kagikit . Excited na akong lutuin ito kasi una beses ko palang ito masusubukan kaya goodluck sa kalalabasan.

Heto na ang lakailanganing ingredients:

Para sa kanin

  • 4 tasang bigas
  • 4 1/2 tasa ng tubig Dahon ng Pandan Chicken Kagikit
  • 3 kutsarang mantika
  • 1 sibuyas
  • 6 ulo ng bawag, tinadtad
  • 1 luya, tinadtad
  • 4 na piraso ng manok (breast)
  • 3 kutsara ng patis 3 kutsara ng toyo
  • 3 piraso ng dahon ng saging
  • 2 itlog, pinakuluan

Paraan sa Pagluluto:

  1. Lutuin ang bigas Chicken Kagikit
  2. Pakuluan ang manok at isantabi muna
  3. Pag hiblahin Igisa ang manok sa bawang, sibuyas at luya
  4. Dagdagan ng pampalasa, toyo at ang patis.
  5. Ilagay na ang kanin sa dahon ng saging, lagyan ng 2-3 kutasarang kagikit sa ibabaw.

Tada! Pastil on the go ! Mangaon na ta ! Salamat.

CAGAYAN de ORO CITY

Binaki

(Ivy Impas)

Narito ang dalawa sa isa sa mga masasarap na sikat na pagkain sa Northern Mindanao. Ang iligan city at cagayan de oro city ay isa sa mga siyudad sa mindanao na masagana sa mga masasarap na kakanin.

BINAKI-7001.jpg

Ito ay isang steamed cake na kung saan binalot mula sa balat ng mais at gawa sa giniling na pinong-pino na mais, powdered milk, baking powder, asukal at tubig. Ang binaki ay galing sa bukidnon ngunit sikat din ito sa cagayan de oro na kung saan ito ay binabalik-balikan ng mga turista. Isa rin ito sa kanilang panlaban pagdating sa kakanin dahil bukod sa madali lang gawin madali lang din hanapin at mura din ang mga sangkap. Kaya naman marami ang naiingganyo na magbenta ng binaki.

Paano nga ba gawin ang kakaning ito? sundan lamang ang nasa ibaba:

Mga Sangkap:

  • 5 pirasong mais
  • 2 1/2 tasa ng yellow corn meal
  • 1 can ng evaporated milk
  • 2 tasa ng asukal
  • 1 kutsara pampaalsa
  • 2 itlog
  • 1 tasa ng gadgad na keso
  • 1/2 tasa ng  butter
  • 1 kutsarita ng asin
  1. Tanggalin ang upak at buhok ng mais, hugasan ito at itabi.
  2. Sa isang panghalong mangkok, ilagay tinunaw na mantikilya at asukal.
  3. Ihalong mabuti, magdagdag ng mga itlog, evaporated milk, gadgad na mais at keso.
  4. Sa isang hiwalay na mangkok ihalo ang mais pagkain, asin at ang pampaalsa.
    Ibuhos sa mangkok na pinaghaluan ng itlog at mais, haluing mabuti.
  5. Maglagay ng 2 hanggang 3 piraso ng upak ng mais.
  6. Ilagay ang sapat o ninanais na dami ng mixture at ilagay sa upak ng mais.
  7. Ibalot ito at itali.
  8. I Steam ito 15 hanggang 20 minuto o hanggang sa ito’y maluto.

at ayan na! makakagawa ka na ng masarap na Binaki.

Ito ay ilan lang sa mga pagkain na kilala sa Pilipinas. Mayroon pang iba na hindi man namin naitalakay sa blog na ito, kung susubukan nyo rin naman, ay napakasarap. Tunay nga na “It’s more fun in the Philippines!”.

Reference:

Text Source : http://fil.wikipilipinas.org/index.php/Pinakbet

Photo Source : Youtube username “PinoyHowTo”

Text source : http://fil.wikipilipinas.org/index.php/Bagnet

Photo source : https://bloggistaph.wordpress.com/tag/bagnet/

https://www.google.com.ph/url?sa=i&rct=j&q=&esrc=s&source=images&cd=&cad=rja&uact=8&ved=0ahUKEwj6jb-Sv6rQAhXImZQKHaIoBS8QjhwIBQ&url=http%3A%2F%2Fwww.angsarap.net%2F2014%2F04%2F24%2Finsarabasab%2F&psig=AFQjCNHOfyqw2vO5cqRXTzYFD2wtZPtwnw&ust=1479290072078920

https://www.google.com.ph/search?biw=1360&bih=624&noj=1&tbm=isch&sa=1&q=empanada+sa+ilocos&oq=empanada+sa+ilocos&gs_l=img.3…399322.406811.0.407485.20.17.1.1.1.0.436.1464.0j2j0j2j1.5.0….0…1c.1.64.img..13.7.1476…0.SOF_Bu6iR88#imgrc=q7KHA29QqA3q7M%3A

Recipe and Photo by KawalingPinoy athttp://www.kawalingpinoy.com/la-paz-batchoy/

http://hubpages.com/food/The-Original-Cebu-Lechon-Recipe

http://pagkaing-filipino.blogspot.com/2012/02/intriguing-lokot-lokot.html

Lokot-Lokot

www.asianfoodchannel.com/recipes/chickenpastil

explorewithjoy.com/recipe/chickenpastil

http://www.pinoyhapagkainan.com/binaki/